Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, bagong naitala kahapon, Hunyo 13, 2021, ang 23 kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Kabilang dito, 4 ang mga domestikong kasong naiulat sa Guangzhou, punong lunsod ng lalawigang Guangdong sa katimugan ng Tsina. 19 iba pa ang galing sa labas ng bansa.
Samantala, 24 bagong asimptomatikong kaso ang naitala kahapon, at umabot sa 391 ang kabuuang bilang ng ganitong uri ng kaso na umiiral sa kasalukuyan.
Editor: Liu Kai