Sa magkasanib na pahayag na ipinalabas pagkatapos ng kanilang pagtatagpo Hunyo 16, 2021 sa Geneva, Swizerland, ipinatalastas nina Pangulong Joe Biden ng Amerika at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na isasagawa ang diyalogo para sa estratehikong katatagan kaugnay ng pagkontrol sa armas, pagpapababa ng panganib ng alitan at iba pang isyu.
Tinalakay din sa pagtatagpo ang mga isyung hinggil sa karapatang pantao, pagbabago ng klima, pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kaligtasan ng cyberspace, paggagalugad sa North Pole, isyu ng Afghanistan, alitan ng Ukraine at Syria, isyung nuklear ng Iran at iba pa.
Pero, sa kabila nito, walang natamong anumang mahalagang progreso.
Bukod dito, sinang-ayunan ng dalawang panig na isagawa ang pagsasanggunian sa mga diplomatikong suliranin, na kinabibilangan ng pagpapanumbalik ng embahador ng Amerika sa Moscow, at embahador ng Rusya sa Washintong D.C., at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio