Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 17 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Linggo, Hunyo 20, 2021.
Kabilang dito, 16 ang galing sa labas ng bansa, at 1 naman ang domestikong kasong naitala sa Lalawigang Guangdong.
Hanggang magha-hating gabi ng Hunyo 21, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 519.
Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Frank