65 bansa, tutol sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katwiran ng karapatang pantao sa UNHRC

2021-06-23 15:55:54  CMG
Share with:

65 bansa, tutol sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katwiran ng karapatang pantao sa UNHRC_fororder_20210623UNHRC

Sa ika-47 sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) nitong Martes, Hunyo 22, 2021, nagtalumpati ang kinatawan ng Belarus, sa ngalan ng 65 bansa.
 

Ipinagdiinan ng magkakasanib na talumpati ang pundamental na norma ng relasyong pandaigdig na gumagalang sa soberanya, pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa, at hindi nakikialam sa suliraning panloob ng soberanong bansa.
 

Anang talumpati, ang isyu ng Hong Kong, Xinjiang at Tibet ay mga suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat makialam dito ang tagalabas.
 

Kinakatigan din ng talumpati ang pagpapatupad ng Tsina ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema” sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
 

Nanawagan ang magkakasanib na talumpati na sundin ang simulain ng Karta ng UN, at pasulungin at pangalagaan ang karapatang pantao, sa pamamagitan ng konstruktibong diyalogo at kooperasyon.
 

Tinututulan nito ang pagsasapulitika at pagsasagawa ng double standard sa isyu ng karapatang pantao, at pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa katwiran ng karapatang pantao.
 

Bukod sa nasabing magkakasanib na talumpati, magkakasamang nagpadala ng liham ang 6 na kasaping bansa ng Gulf Cooperation Council (GCC), bilang pagsuporta sa paninindigan ng panig Tsino.
 

Binabalak din ng mahigit 20 bansa ang pagkatig sa Tsina, sa paraan ng nagsasariling pagtatalumpati.
 

Mahigit 90 bansa ang nagpapahayag ng kani-kanilang pagkaunawa at pagsuporta sa lehitimong paninindigan ng Tsina, sa pamamagitan ng magkakaibang paraan.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Martes ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay nagpapakita ng mithiin ng komunidad ng daigdig, at nagpapabagsak sa kunwaring pagkamatuwid ng iilang bansang kanluranin na nakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa, sa katwiran ng karapatang pantao.
 

Saad ng nasabing tagapagsalita, layon ng ganitong aksyon ng iilang bansang kanluranin na sugpuin ang Tsina, at hadlangan ang pag-unlad ng Tsina. Tiyak na mabibigo ang kanilang tangka.
 

Diin niya, buong tatag ang determinasyon ng Tsina sa pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao ng sariling bansa, at pagtatanggol sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng estado.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Jade

Please select the login method