Ang insensong Tibetano ng Nyemo County, Lhasa, Tibet, Tsina ay yari sa mahigit 30 uri ng mamahaling natural na materyales na medisinal, na gaya ng sandalwood, agarwood, saffron, at musk.
Napakahalimuyak ng insenso ng Nyemo at kilala rin ito sa pagpigil ng mga sakit, pagpapasigla ng pag-isip, at pagpapalakas sa immunity. Dahil dito, katanggap-tanggap ang insensong ito sa mga turista at panauhin mula sa iba’t ibang sulok ng daigdig.
Halos bawat pamilya ng Nyemo ay gumagawa ng insensong Tibetano at kasama ng agrikultura at paghahayupan, ang industriyang ito ay ikinabubuhay ng mga mamamayang lokal.
Sa kasalukuyan, naidebelop na ng Tibetan Incense Research and Development Center ng Nyemo county ang mga insensong kaibigan ng kapaligiran at mga insensong medisinal. Noong 2008, naitala sa National Intangible Cultural Heritage List ng Tsina ang Nyemo Tibetan Incense.