24 nasawi sa aksidente ng pagguho ng gusali sa Miami ng Amerika

2021-07-04 10:35:40  CMG
Share with:

Nitong Sabado, Hulyo 3, (local time), 2021, ipinahayag ni Daniella Levine Cava, Alkalde ng Miami-Dade, estadong Florida ng Amerika, na pumalo na sa 24 ang bilang ng mga nasawi sa aksidente ng pagguho ng condominium, at nawawala ang 124 iba pa.

Ipinahayag din ni Ron DeSantis, Gobernador ng estadong Florida, na ayon sa pagtaya, bago tamaan ng Tropical Storm Elsa ang kanyang estado, gigibain ang natitirang bahagi ng nasabing gusali.


Salin: Lito

Please select the login method