Sa kanyang talumpati sa maringal na pagtitipun-tipon bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), solemnang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na komprehensibo nang naitayo ang may kaginhawahang lipunan.
Pero, ano ang ibig sabihin ng may kagihawahang lipunan? Ang sagot ay makikita sa normal na pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Isang mabuting halimbawa ay ang pagbabago sa paraan ng pananamit ng mga Tibetano.
Kasabay ng pagtatayo ng may kagihawahang lipunan, tumaas din ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet.
Noong nakaraan, walang sapat na damit para sa mga mahihirap na tao sa Tibet; pero ngayon, mayroon na silang sapat na kasuotan at pinapaunlad pa nila ang industriya ng damit na pang-etniko, at pinasusulong ang industriyang ito sa buong daigdig.
Sa kasalukuyan, ang industriya ng damit na pang-etniko ay mahalagang industriya para sa Tibet.
Tradisyonal na damit Tibetano
Modernong damit Tibetano sa mga fashion show
Salin:Sarah
Pulido:Rhio