Ang oil painting na tinaguriang “May 4th Movement” ay nilikha noong 1951 ni Zhu Lingzhao, sikat na alagad ng sining ng Tsina.
Inilalarawan ng akdang ito ang pagtitipun-tipon noong Mayo 4, 1919 ng mga estudyante sa Beijing bilang protesta sa Treaty of Versailles na nagpataw ng mapang-api at di-makatarungang patakaran na lumalapastangan sa kasarinlan ng Tsina pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Salin: Lito
Pulido: Mac