Sa kanyang talumpati Hulyo 6, 2021, sa CPC at World Political Parties Summit, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na bilang mahalagang lakas na magpapasulong sa pag-unlad ng buong sangkatauhan, dapat itakda ng mga pulitikal na partido ang tumpak na direksyon at isabalikat ang pangkasaysayang responsibilidad, para makamtan ang kaligayahan ng buong sangkatauhan.
Aniya, patuloy na nagsisikap ang CPC, kasama ng mga partido ng iba’t ibang bansa, para itatag ang kapayapaan ng daigdig, ibigay ang ambag para sa pag-unlad ng daigdig, at pangalagaan ang kaayusan ng buong daigdig.
Samantala, pinapurihan ng mga dalubhasa at iskolar mula sa Thailand, Argentina, Bosnia and Herzegovina, Cambodia, Zambia, Papua New Guinea, Brazil, Romania, Russia, Malaysia at iba pang bansa ang nasabing talumpati ni Xi.
Ipinahayag nilang ito ay lubos na nagpapakita sa responsibilidad ng CPC sa paghahanap ng kaligayahan at pag-unlad ng buong sangkatauhan.
Ang CPC at World Political Parties Summit ay tiyak na lalo pang magpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig, dagdag nila.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio