Kooperasyon, patuloy na palalalimin ng Tsina at Britanya

2021-07-07 16:00:59  CMG
Share with:

Sa video meeting na idinaos Hulyo 6, 2021, malalim na nakipagpalitan ng pananaw si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa mga kinatawan mula sa sirkulo ng industriya at komersyo ng Britanya, kaugnay ng mga usaping kinabibilangan ng relasyong Sino-Britaniko, aktuwal na kooperasyon, pandemiya ng Corona Virus Disease 2019(COVID-19), pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapabuti ng kapaligiran ng negosyo, pagpapalalim ng kooperasyon ng serbisyo at kalakalan, pagpapasulong ng pagpapalitang kultural, at iba pa.

 

Ipinahayag ng mga kalahok na Britaniko na ang Tsina ay mahalagang trade partner ng Britanya.

 

Lubos anilang pinahahalagahan ng sirkulo ng industriya at komersyo ng Britanya ang pamilihang Tsino, at sapat ang kanilang kompiyansa sa pag-unlad ng Tsina.

 

Umaasa anila silang lalo pang mapapalakas ang kalakalan at pamumuhunan sa Tsina, at mapapalalim ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan, para mapasulong ang pag-unlad ng relasyong Britaniko-Sino.

Kooperasyon, patuloy na palalalimin ng Tsina at Britanya_fororder_likeqiang

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method