Ang pagtangka ng ilang bansa na isapulitika ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, tiyak na mabibigo — Tsina

2021-07-08 17:03:47  CMG
Share with:

Sa magkasanib na pahayag na ipinalabas Hulyo 5, 2021, sa Lancet, pahayagang medikal, binatikos ng 24 na kilalang dalubhasang medikal sa mundo ang ilang pulitikong Amerikano na ipinagkakalat ang di umano'y “lab-leak”theory ng coronavirus.

 

Ipinahayag ng mga dalubhasa na sa ngayon, walang anumang batayan ang “lab-leak” theory. Ayon sa pinakahuling pananaliksik, ang virus ay galing sa kalikasan.

 

Kaugnay nito, sa regular na preskon nitong Hulyo 7, 2021, ipinahayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagiging mas maliwanag ang manipulasyong pulitikal ng ilang pulitikong Amerikano sa isyu ng pananaliksik sa pinagmulan ng virus. Layon nilang ibunton sa Tsina ang responsibilidad nila sa pagkabigo sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ang pagtangka ng ilang bansa na isapulitika ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus, tiyak na mabibigo — Tsina_fororder_wangwenbin

Ani Wang, tinukoy na ng ulat ng group ng dalubhasa ng World Health Organization (WHO) na di-posible ang pagtagas ng virus mula sa laboratoryo. Tiyak na mabibigo ang tangka ng ilang bansa na isapulitika ang usaping ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method