AI industry ng Tsina, patuloy na lumalaki

2021-07-09 18:35:13  CMG
Share with:

Sa seremoniya ng pagbubukas ng World Artificial Intelligence Conference (WAIC) na idinaos Hulyo 8, 2021, ipinahayag ni Xiao Yaqing, Ministro ng Industriya at Impormasyon ng Tsina, na nasa unang puwesto ang kabuuang dami ng Artificial Intelligence invention patent ng Tsina sa buong daigdig.

 

Aniya, patuloy na lumalaki ang saklaw ng nukleong industriya ng AI, at nabuo na ang komprehensibong industry chain.

 

Bukod dito, umabot sa halos 310 bilyong yuan RMB ang saklaw ng industriya ng AI ng Tsina noong 2020, na lumaki ng 15% kumpara sa tinalikdang taon.

AI industry ng Tsina, patuloy na lumalaki_fororder_waic

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method