Kamakailan ilang tauhan ng Amerika ang nag-uudyok sa World Health Organization (WHO) na isagawa ang ikalawang yugto ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus na nakatuon sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 9, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa ulat na magkasanib na ipinalabas Marso, 2021, ng Tsina at WHO, maliwanag na tinukoy na ang gawain ng pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus ay dapat batay sa pandaigdigang pananaw. Sa hinaharap, dapat isagawa ang gawaing ito sa iba’t ibang lugar at bansa sa halip ng iisang lugar lang.
Ani Wang, ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus ay usapin ng siyensiya, at dapat igalang ang siyensiya at katotohanan.
Sinabi niya ang resulta ng gawaing ito ng WHO sa Tsina ay nagkaloob ng pundasyon ng pananaliksik para sa pagpapasulong ng katulad na gawain sa ibang bansa. Pero, ang kawalan ng kaalaman hinggil sa ulat na ito at pagpapasulong ng umano’y ikalawang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus na nakatuon sa Tsina, ito ang manipulasyong pulitikal ng gawaing ito, na tiyak na hahadlang at sisira ng kooperasyong pandaigdig sa pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus.
Salin:Sarah
Pulido:Mac