Ayon sa datos na isinapubliko Huwebes, Hulyo 15, 2021 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, matapos ang inisyal na kalkulasyon, mahigit 53.2 trilyong yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina noong unang hati ng kasalukuyang taon.
Ito ay mas malaki ng mga 12.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ayon dito, lumilitaw ang tunguhin ng matatag na pagbuti ng kabuhayang Tsino.
Ani ng pagkaing-butil ng Tsina ngayong tag-init, mahigit 145. 8 milyong tonelada.
Mahigit 145.8 milyong tonelada ng pagkaing-butil ang nai-ulat na kabuuang ani ng Tsina ngayong tag-init, at Ito ay mas malaki ng 2.1% kumpara sa taong 2020.
Samantala, noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumaki ng 17% ang bilang ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong mula sa Hong Kong, Macau, at Taiwan, at pondong dayuhan.
Bukod dito, lumaki rin ng 11.9% ang bilang ng mga bahay-kalakal na ari ng estado; at umangat ng 18.3% ang bilang ng mga pribadong bahay-kalakal kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Sa unang hati ng 2021, lumaki ng mahigit 20% ang kabuuang halaga ng tingiang benta ng consumer product at kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga kalakal.
Salin: Lito
Pulido: Rhio