Mga insidente ng pamamaril, nangyari sa Amerika

2021-07-18 12:16:20  CMG
Share with:

Mga insidente ng pamamaril, nangyari sa Amerika_fororder_20210718Amerika

Ayon sa media ng Amerika, mula gabi ng Hulyo 16 hanggang madaling araw ng Hulyo 17, maraming marahas na insidente ng pamamaril ang naganap sa iba’t-ibang lugar ng Amerika na ikinasawi ng di-kukulangin sa 9 katao, at ikinasugat ng ilampung iba pa.

Nitong isang taong nakalipas, walang humpay na tumataas ang bilang ng mga marahas na krimeng may kaugnayan sa baril sa Amerika.

Naging rekord din sa kasaysayan ang bilang ng mga naibentang baril sa panahong nabanggit.

Noong Hulyo 6, ipinahayag ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na di katanggap-tanggap ang pagtaas ng bilang ng mga krimeng may-kaugnayan sa  baril.

Hinimok niya ang Kongresong Amerikano na agarang umaksyon para malutas ang problemang ito.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method