48 bansa: huwag pulitikahin ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus

2021-07-19 16:44:51  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng media ng Hong Kong, sa liham na ipinadala Hulyo 15, 2021 ng 48 kinatawan ng ibat-ibang bansa sa United Nations sa Geneva kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), suporado nila ang pagsasagawa ng pananalisik sa pinagmulan ng coronavirus sa buong daigdig, subalit mariin nilang tinututulan ang pagsasapulitika ng isyung ito.

 

Binigyan-diin ng naturang mga bansa na ang virus ay komong kalaban ng buong sangkatauhan, at dapat magkaisa ang komunidad ng daigdig para labanan ito.

 

Anila pa, ang kooperasyon ng buong mundo sa pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus ay mahalagang bahagi sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Kaugnay nito, tinukoy ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang makatarungang opinyon ng mga umuunlad na bansa sa naturang liham ay matalim na kabaligtaran ng istigmatisasyon at pagsasapulitika ng ilang bansang pinamumunuan ng Amerika sa usapin ng COVID-19.

48 bansa: huwag pulitikahin ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus_fororder_virus

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method