Bagong enerhiyang sasakyan, mahalagang breakthrough ng pagluluwas ng industriya ng sasakyan de motor ng Tsina

2021-07-20 17:34:23  CMG
Share with:

Ayon sa estadistika na ipinalabas kamakailan ng Ministri ng Industriya at Teknolohiyang Pang-impormasyon ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, matatag na lumaki sa kabuuan ang bolyum ng pagpoprodyuse at pagbebenta ng sasakyan de motor ng Tsina, partikular na, ng mga bagong enerhiyang sasakyan.

 

Mula noong Enero hanggang Hunyo 2021, umabot sa 1.215 milyon ang bilang ng paggawa ng bagong enerhiyang sasakyan ng Tsina, at nasa 1.206 milyon ang pagbebenta nito. Lumaki nang doble ang kabuuang pagpoprodyuse at pagbebenta ng bagong enerhiyang sasakyan kumpara sa tinalikdang taon.

 

Bukod dito, ayon sa estadistika, mula Enero hanggang Hunyo 2021, umabot sa 82 libo ang pagluluwas ng bagong enerhiyang sasakyan ng Tsina na lumaki ng 342% kumpara sa tinalikdang taon.

 

Ang bagong enerhiyang sasakyan ay naging mahalagang breakthrough ng pagluluwas ng industriya ng sasakyan de motor ng Tsina.

Bagong enerhiyang sasakyan, mahalagang breakthrough ng pagluluwas ng industriya ng sasakyan de motor ng Tsina_fororder_car_conew1

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method