Bubuksan ngayong gabi, Hulyo 23, 2021, ang 2020 Tokyo Olympic Games.
Kaugnay nito, ipinahayag Hulyo 22, 2021, sa Tokyo, ni Thomas Bach, Pangulo ng International Olympic Committee (IOC), na sa kauna-unahang pagkakataon, gagamitin ang teknolohiya ng cloud broadcasting.
Aniya, ito ay mahalagang hakbang ng Olympic Games sa pagpasok sa panahong digital.
Ang Alibaba ng Tsina ay kompanya na nagkakaloob ng teknolohiyang ito para sa 2020 Tokyo Olympic Games.
Sinabi ni Bach na ang inobasyon na ipinagkaloob ng Tsina ay nagdudulot ng malaking benepisyo para sa Olympic Games at IOC.
Salin:Sarah
Pulido:Mac