Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas Agosto 5, 2021, ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 85 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland sa loob ng 24 oras.
Sa mga ito, 23 ay galing sa labas ng bansa at 62 ay domestiko.
Samantala, 2 ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso na mula sa labas ng Tsina.
Hanggang magha-hati gabi ng Agosto 4, 2021, 1, 285 ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang mga pumanaw.
Salin: Sarah
Pulido: Rhio