Tsina at Singapore, ipagpapatuloy ang magkasamang pagsisikap para mapasulong ang kanilang relasyon

2021-08-09 16:06:19  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati na ipinadala Agosto 9, 2021, kay Pangulong Halimah Yacob ng Singapore para sa Ika-56 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng bansa, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nitong 56 na taong nakalipas, natamo ng mga mamamayan ng Singapore ang malaking bunga sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Aniya, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Singapore, at nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Singapore, para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Tsina at Singapore, ipagpapatuloy ang magkasamang pagsisikap para mapasulong ang kanilang relasyon_fororder_pangulongxi02

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method