Sa artikulong “Amerika at Pananaliksik sa Pinagmulan ng Coronavirus: Pekeng Agenda,” na inilabas kamakailan sa website ng Russian International Affairs Council (RIAC), pinuna ni Andrey Koltunov, mag-akda ng artikulo, dalubhasa ng Rusya sa mga isyung pandaigdig, at Direktor Heneral ng RIAC, ang pagsasapulitika ng Amerika ng pananaliksik ng pinagmulan ng coronavirus.
Tinukoy ng artikulo na ang kasalukuyang pandemiya ay lubos na nagpapakita ng serye ng pundamental na problema ng sistemang pangkalusugan ng Amerika na kinabibilangan ng kakulangan ng koordinasyon sa iba’t ibang estado ng Amerika, pagbababa ng tiwala ng mga tao sa pamahalaan, di patas na serbisyong medikal at iba pa.
Ipinalalagay ng artikulo na sa background na ito, sa halip ng paghahanap ng “scapegoat,” dapat magpokus ang Amerika sa mga problema ng sarili nitong bansa.
Ang pag-atake sa Tsina ay hindi makakatulong sa paglutas ng mga problema. Ang karanasan ng Tsina sa panahon ng pandemiya ay posibleng makatulong sa kalagayan ng Amerika.
Sinabi ng artikulo na tiyak na mabibigo ang pagtatangka ng pamahalaang Amerikano na atakehin ang Tsina sa pamamagitan ng digmaan ng impormasyon. At ang aksyong ito ay di-mabuti sa kapuwang Amerika at buong daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Mac