PM ng Malaysia, nagbitiw sa tungkulin

2021-08-16 16:36:48  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng telebisyon, 15:00H, Agosto 16, 2021, ipinahayag ni Muhyidin bin Haji Mohammad Yassin ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin bilang Punong Ministro ng Malaysia.

 

Kasabay niyang nagbitiw ang iba pang miyembro ng kanyang gabinete.

 

Sa pahayag namang ipinalabas nang araw ring iyon, tinanggap ng Pambansang Palasyo ng Malaysia ang pagbibitiw ni Muhyidin at kanyang gabinete.

 

Samantala, hanggat hindi pa naihahalal ang bagong punong ministro ng bansa, si Muhyidin ang siya pa ring aakto bilang caretaker PM ng Malaysia.

PM ng Malaysia, nagbitiw sa tungkulin_fororder_malaysia

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method