Kaugnay ng malaking pagbabago sa kalagayan ng Afghanistan, sinabi Agosto 16, 2021, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iginagalang ng kanyang bansa ang mithiin at pagpili ng mga mamamayang Afghan.
Aniya, ang pagtigil sa digmaan at pagsasakatuparan sa kapayapaan ay komong mithiin ng mahigit 30 milyong mamamayang Afghan at komunidad ng daigdig.
Matatandaang ipinahayag kahapon ng Taliban na tapos na ang digmaan sa Afghanistan.
Anito, sa hinaharap, itatatag ang bukas na pamahalaang Islamiko, at isasagawa ang responsableng aksyon, para igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Afghanistan at mga delegasyong dayuhan sa bansa.
Kaugnay nito, umaasa ani Hua ang Tsina na isasakatuparan ng Taliban ang naturang mga pangako sa lalong madaling panahon, para maigarantiya ang matatag na transisyon ng kalagayan sa Afghanistan, at matigil ang iba’t ibang teroristikong aksyon, tungo sa rekonstruksyon ng mga mamamayan ng Afghanistan sa kanilang sariling bayan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio