Smart China Expo 2021, magdudulot ng enerhiya para sa kabuhayan

2021-08-23 17:04:16  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Pagdudulot ng Enerhiya sa Kabuhayan at Kulay sa Pamumuhay,” binuksan Agosto 23, 2021, sa Chongqing, lunsod sa timong kanluran ng Tsina, ang Smart China Expo 2021.

 

Inaasahang pasusulungin ng mga kalahok ang kooperasyon hinggil sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, at lalagdaan ang mahahalagang proyekto.

 

Pokus ng ekspong ito ang bagong tunguhin ng pag-unlad ng industriya ng internet, at pagpapalalim ng komunikasyon sa pagitan ng mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road Initiative (BRI),” mga kinauukulang organisasyong pandaigdig, at mga namumunong kompanya sa industriyang ito.

 

Mahigit 600 kompanya mula sa 31 bansa at rehiyon ang kalahok sa naturang ekspo.

Smart China Expo 2021, magdudulot ng enerhiya para sa kabuhayan_fororder_smartchina

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method