Multinasyonal na pagsasanay para sa pangangalagaan sa kapayapaan, idraos sa Tsina

2021-08-27 16:34:06  CMG
Share with:

Idaraos mula Setyembre 6, 2021 hanggang Setyembre 15, sa base ng pagsasanay ng People's Liberation Army (PLA) sa Queshan County ng Henan, lalawigang sa gitna ng Tsina, ang unang live na multinasyonal na pagsasanay para sa pangangalaga sa kapayapaan na pinamagatang “Pinagbabahaginang kapalaran-2021.”

 

Ipinahayag ito Agosto 26, 2021, ni Tan Kefei, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina.

Multinasyonal na pagsasanay para sa pangangalagaan sa kapayapaan, idraos sa Tsina_fororder_tankefei

Ani Tan, lalahok sa naturang pagsasanay ang mahigit 1000 tao mula sa hukbo ng Tsina, Pakistan, Mongolia, Thailand at iba pa.

 

Ipinahayag ni Tan, ang pagsasanay na ito ay nagpokus ng magkasanib na aksyon ng tropang pamayapa ng iba’t ibang bansa, reaksyon ito sa mungkahi ng United Nations (UN) na ang "Aksyon para sa pangangalaga ng kapayapaan."

 

 

Sa pamamagitan ng pagsasanay ito, layuning pasusulungin ang aktuwal na kooperasyon sa pagitan ng mga bansa na magpadala ng hukong pamapayapa, at magkakasamang pataasin ang kakayahan ng mga tropang pamayapa sa pagpapatupad ng mga misyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method