Tsina, umaasa sa pagkakaroon ng bukas at inklusibong organong pulitikal sa Afghanistan

2021-09-02 15:56:10  CMG
Share with:

Ipinahayag Agosto 31, 2021, ng Taliban na tapos na ang pagsasanggunian kaugnay ng pagbuo ng bagong pamahalaan sa Afghanistan, at opisyal na bubuuin ang bagong pamahalaan sa Setyembre 3, 2021.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 1, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang kanyang bansang pahahalagahan ng iba’t ibang paksyon ng Afghanistan ang mithiin ng mga Afghan at komong pag-asa ng komunidad ng daigdig.

Tsina, umaasa sa pagkakaroon ng bukas at inklusibong organong pulitikal sa Afghanistan_fororder_wangwenb

Aniya pa, mithiin din ng Tsinang magkaroon ng bukas at inklusibong organong pulitikal, matatag na patakarang panloob at panlabas, ma-ihiwalay ang Taliban sa iba’t-ibang organisasyong teroristiko, at maitatag ang mapagkaibigang pakikipamuhayan sa iba’t-ibang bansa ng buong daigdig, partikular sa, mga kapitbansa ng Afghanistan.

 

 

Ani Wang, mananangan ang Tsina sa pangkaibigang patakaran sa lahat ng mamamayan ng Afghanistan, igagalang ang pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng Afghanistan, hindi makakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Afghanistan, at ipagkakaloob ang tulong para sa mapayapang pag-unlad ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method