Pangulong Xi: lubos na gamitin ang big data at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan

2021-09-06 16:08:02  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati Setyembre 6, 2021 sa Kumbensyon ng Pagtatatag ng Sentro ng Pananaliksik sa Big Data Tungo sa Sustenableng Pag-unlad at 2021 Pandaigdigang Porum ng Big Data Tungo sa Sustenableng Pag-unlad sa Beijing, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagtatayo ng naturang sentro ay mahalagang hakbangin para ikumpleto ang suporta ng bansa para sa 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN).

 

Inaasahan ni Xi na lubos na gagamitin ng ibat-ibang kinauukulang panig ang platapormang ito para palakasin ang pandaigdigang kooperasyon at magbigay ng ambag para sa pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

Pangulong Xi: lubos na gamitin ang big data at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan_fororder_bigdata

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method