Sa paanyaya ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, dadalo via videolink si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-7 Pulong ng mga Lider tungkol sa Greater Mekong Subregion (GMS) Economic Cooperation na gaganapin sa Setyembre 9.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Setyembre 7 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong 29 na taong nakalipas sapul nang simulan ang GMS Economic Cooperation, isinasagawa ang mabungang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng konstruksyon ng imprastruktura at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, bagay na nakakapagbigay ng mahalagang ambag para sa sustenableng pag-unlad ng sub-rehiyon.
Tinukoy niya na sa loob ng mahabang panahon, aktibong lumalahok ang Tsina sa proseso ng kooperasyong pangkabuhayan sa GMS, at napapatingkad nito ang positibong papel sa pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Inaasahan ng panig Tsino na sasamantalahin ng mga kalahok ang pagkakataon ng nasabing pulong para makapagbigay ng bagong puwersang tagapagpasulong sa kasaganaan ng iba’t-ibang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Mac