Sa kauna-unhang pagkakataon: ika-130 Canton Fair, gaganapin kapuwa sa online at offline na plataporma

2021-09-13 15:44:38  CMG
Share with:

Sa kauna-unhang pagkakataon: ika-130 Canton Fair, gaganapin kapuwa sa online at offline na plataporma_fororder_20210913CantonFair

Sa kauna-unahang pagkakataon, bubuksan sa ika-15 ng Oktubre 2021 ang Ika-130 China Import and Export Fair, o kilala rin bilang Canton Fair, sa kapuwa online at offline plataporma.
 

Itatanghal dito ang 16 na uri ng paninda sa pamamagitan ng 51 sona.
 

Tinatayang mahigit 25,000 namumukod na supplier mula sa loob at labas ng bansa ang sasali rito.
 

Samantala, ito’y itataguyod din sa 52 “cloud promotion” sa 40 bansa’t rehiyon.
 

Ang mga kinatawan ng mga mamimili na kinabibilangan ng mga kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan at mga mamimili sa loob ng bansa ang aanyayahang sa mga offline activity.
 

Bukod dito, pabubutihin din ang mga serbisyo ng kalakalan, para buuin ang mas kumpletong trade service chain.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method