Dumating nitong Linggo, Setyembre 12, 2021 ng Brunei International Airport ang ika-2 pangkat ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ibinigay ng Tsina sa Brunei.
Sa seremonya ng paglilipat na ginanap sa paliparan, pinasalamatan ni Haji Erywan, Second Minister of Foreign Affairs ng Brunei ang muling ibinigay na tulong ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, sa panahon ng pinakamalubha at pinakapangkagipitang kalagayan ng pandemiya sa Brunei.
Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, at ito rin ang milestone sa relasyong pangkaibigan ng kapuwa panig.
Patuloy aniyang palalakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan sa mga larangang gaya ng kalakalan, agrikultura, pangingisda, people-to-people exchanges at iba pa, at pananatilihin ang mahigpit na kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Salin: Vera
Pulido: Mac