Idaraos mula Setyembre 27 hanggang Setyembre 29, 2021 sa Beijing ang Ika-30 PT Expo China.
Layon nitong itatag ang komprehensibong plataporma ng pagtatanghal, pagpapalitan, kooperasyon at pagbabahagi para lubos na ipakita ang mga bunga ng pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ng impormasyon at telekomunikasyon tungo sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng buong mundo.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Qian Tao, Pangkalahatang Manedyer ng China National Postal & Telecommunications Appliances Co., Ltd., na inanyayahan sa ekspo ang mga opsiyal ng embahada ng mga bansang kabilang sa “Belt and Road Initiative” (BRI) na gaya ng Pilipinas, Colombia, Bangladesh at iba pa, para ibahagi ang mga patakaran ng kanilang bansa kaugnay ng pag-unlad ng industriya ng impormasyon at telekomunikasyon, kapaligiran ng pamumuhunan at iba pa.
Ito aniya ay para ipagkaloob ang tulong para sa mga kompanyang nagnanais magsagawa ng kooperasyong pandaigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio