Binuksan sa Beijing, Setyembre 14, 2021, ang Ika-28 Beijing International Book Fair (BIBF).
Idaraos dito ang mga aktibidad, sa kapuwa online at offline na porma, na naglalayong pasulungin ang pagpapalitang kultural sa pagitan ng Tsina at iba't ibang bansa, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat.
Kalahok dito ang nasa 2,200 kompanya mula sa 105 bansa at rehiyon ng buong daigdig.
Kabilang sa mga ito, 2/3 ang mga kompanyang dayuhan, at sa mga ito, nasa 57 ang mula sa mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road Initiative (BRI).”
Ang Pakistan ay ang bansang punong-abala ng Ika-28 BIBF.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio