Pangulong Tsino, nagdeklara ng pagsisimula ng Ika-14 na Pambansang Laro

2021-09-15 21:06:35  CMG
Share with:

Pangulong Tsino, nagdeklara ng pagsisimula ng Ika-14 na Pambansang Laro_fororder_20210915bukas600

Xi'an Olympic Center Stadium, probinsyang Shaanxi ng Tsina — Pinasinayaan Miyerkules ng gabi, Setyembre 15, 2021 ang seremonya ng pagbubukas ng Ika-14 na Pambansang Laro ng Tsina.

Idineklara ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagsisimula ng nasabing pambansang laro.

Lumahok sa Ika-14 na Pambansang Laro ang mahigit 12,000 atleta mula sa mga probinsya, munisipalidad, rehiyong awtonomo, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macao, Xinjiang Production at Construction Corps, at specific sporting associations.

Tatagal ang nasabing laro mula 15 hanggang 27 ng kasalukuyang buwan.

Bukod sa mga Olympic events, mayroong mga larong may mahabang kasaysayan at katangiang Tsino na tulad ng shuttlecock, dragon boat, Square Dance, at Tai Chi sa nasabing pambansang laro.

Sa kasalukuyan, umiinit nang umiinit ang tunguhin ng kalakasan ng lahat ng mga mamamayang Tsino.


Salin: Lito

Please select the login method