Sa paanyaya ni Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan, dumalo Setyembre 17, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-21 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), at joint summit ng SCO at Collective Security Treaty Organization (CSTO) hinggil sa isyu ng Afghanistan, sa pamamagitan ng video link.
Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 16, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na sa patnubay ng mga lider ng iba’t ibang bansa, tiyak na matatamo ng SCO ang bagong progreso sa bagong punto ng pagsisimula. Mananatili ang paninindigang itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan, at ibibigay ang mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.
Aniya, ang taong 2021 ay Ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng SCO. Nitong nakaraang 20 taon, sa pamamagitan ng pagsunod ng mga miyembro ng SCO sa Diwa ng Shanghai, matagumpay na nalampasan ang mga pagkakaiba sa sistemang panlipunan, kasaysayan at kultura. Natagpuan ang bagong uri ng kooperasyon at daan ng pag-unlad para sa organisasyong rehiyonal.
Ginampanan ng mga kasaping bansa ang aktibong papel sa mga usaping pandaigdig at rehiyonal. At isinagawa ang mahalagang pag-aaral na teoretikal at praktical para itatag ang bagong uri ng ugnayang internasyonal at isang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin:Sarah
Puludo:Mac