WHO: 228,807,631, bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig; 185 bansa at rehiyon, natuklasan ang kaso ng Delta variant

2021-09-22 16:33:05  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO), nitong Setyembre 21, 2021, 228,807,631 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, at 4,697,099 ang bilang ng mga pumanaw.

 

Samantala, ayon sa ulat na isinapubliko ng WHO, lumampas ng 3.6 milyon ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 noong nakaraang linggo sa buong daigdig; lumaki ang bilang sa Aprika. Bukod dito, bumaba ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ibang rehiyon ng daigdig.

 

60 libo ang bagong naitalang pumanaw dahil sa COVID-19. Lumaki ang bilang sa rehiyon ng Kanlurang Pasipiko at Europa, at bumaba ang bilang ng bagong naitalang pumanaw sa ibang rehiyon ng daigdig. 27% ang naging pagbaba nito sa rehiyong Timog Silangang Asya.

 

Bukod dito, ang Amerika, India, Britanya, Turkey at Pilipinas ay 5 bansa na nag-ulat ng pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 noong nakaraang linggo.

 

At sa kasalukuyan, natuklasan ang pinaghihinalaang kaso ng Delta variant sa 185 bansa at rehiyon ng buong daigdig.

WHO: 228,807,631, bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig; 185 bansa at rehiyon, natuklasan ang kaso ng Delta variant_fororder_02who

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method