Sa pamamagitan ng walang humpay na pagsisikap ng pamahalaang Tsino, nakabalik sa bukas na bisig ng inangbayan Setyembre 24, 2021 si Meng Wanzhou, Punong Opisyal Pampinansiya (CFO) ng Huawei, makaraan ang 1,028 araw na ilegal na detensyon sa Kanada.
Maliwanag na ipinakikita ng muling pagkakamit ng kalayaan ni Meng ang matatag na kapasiyahan ng naghaharing partido ng Tsina at pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa lehitimong karapatan ng mga mamamayang Tsino.
Ito rin ay malaki at malakas na kagustuhan ng mga mamamayang Tsino na labanan ng hegemonismo.
Ipinakita ng isyu ni Meng Wanzhou na sa kasalukuyang mundo, ang hegemonismo ay lumalabag sa mithiin ng mga mamamayan, at tiyak itong magbibigo.
Bukod dito, ang maunlad at malakas na Tsina ay palagiang sandigan at garantiya ng mga mamamayang Tsino upang harapin ang anumang kahirapan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio