Pangulong Tsino, nagpahayag ng pagbati kaugnay ng pagkakahalal ni kay Eric Chu bilang puno ng KMT

2021-09-26 17:07:19  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala Setyembre 26, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Eric Chu kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang Tagapangulo ng Chinese Kuomintang (KMT) Party.

Tinukoy ni Xi na nitong ilang panahong nakalipas, mainam ang pagpapalagayan at magkasamang iginigiit ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at KMT ang “1992 Consensus” at pagtutol sa "puwersang naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan.”

Ito aniya ay nakakapagpasulong sa mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang at nakakapagbigay ng benepisyo sa mga kababayan ng magkabilang pampang.

Ipinadala naman nang araw ring iyon ni Eric Chu ang mensahe ng pasasalamat kay Pangulong Xi.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method