Inilabas nitong Lunes, Setyembre 27, 2021 ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang "Report on Hong Kong's Business Environment: A Place with Unique Advantages and Unlimited Opportunities."
Ito ang kauna-unahang ulat hinggil sa kapaligirang pangnegosyo ng Hong Kong sapul nang bumalik ito sa inang bayan.
Sa pamamagitan ng mga detalyadong datos, ipinakikita ng nasabing ulat ang magandang kapaligirang pangnegosyo at maliwanag na prospek ng kaunlaran ng Hong Kong, pagkaraang bumuti ang kaayusang panlipunan pagkatapos ng kaguluhan.
Ayon sa datos, nitong nakalipas na 12 buwan, hanggang Hunyo ng 2021, nakita ang “U-shaped” trend ng kabuhayan ng Hong Kong. Noong unang hati ng taong ito, tumalon ng 7.8% ang kabuhayan ng Hong Kong, at bumaba sa 4.7% ang unemployment rate, mula 7.2%.
Samantala, bumalik ang Hong Kong sa ika-3 puwesto sa pinakahuling Global Financial Centers Index, kasunod ng New York at London.
Sa ika-14 na panlimahang taong plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina, ang Hong Kong ay binibigyan ng panibagong katayuang pangkaunlaran. Sa kontruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, patitingkarin ng Hong Kong ang katangi-tanging papel.
Walang duda, magiging mas kaakit-akit at mas kompetetibo ang kapaligirang pangnegosyo ng Hong Kong dahil dito.
Salin: Vera
Pulido: Mac