Noong Marso 2013, bago idaos ang Ika-5 Summit ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa), kinapanayam ang bagong pangulo ng Tsina na si Xi Jinping ng mga dayuhang mamamahayag na kinabibilangan ni Mikhail Gusman, First Deputy Director General ng ITAR-TASS News Agency ng Rusya.
Ayon sa naturang beteranong mamamahayag, nag-iwan ng malalim na impresyon sa kanya ang dalawang bagay tungkol kay Pangulong Xi: karunungan sa kanyang mga mata at higpit ng kanyang pakikipagkamay.
Pagkaraang subaybayan ang pangulong Tsino nitong nakalipas na mga taon, hinahangaan ngayon naman ni Gusman ang pagtugon ni Xi sa krisis na dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos