22 ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Setyembre 29, 2021, .
16 ay galing sa labas ng bansa, at 6 naman ang domestikong kaso.
Bukod dito, 1 ang bagong naitalang pinaghihinalaang kaso ng COVID-19 sa lunsod Shanghai, Tsina, at ito ay galing din sa labas ng bansa.
Batay pa sa datos, 908 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland.
Samantala, 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Mac