Inihatid ng Shenzhou-12 manned spacecraft, tatlong buwang nanatili sa kalawakan ang tatlong astronaut na Tsino mula Hunyo 17 hanggang Setyembre 17, 2021.
Sa loob ng panahong iyon, isinagawa ng mga astronaut ang dalawang aktibidad at misyon sa labas ng spacecraft, at isinakatuparan ang maraming pagsubok.
Ang tagumpay ng misyon ng Shenzhou-12 ay nakapaglatag ng mas matibay na pundasyon para sa konstruksyon ng space station sa susunod na hakbang.
Sa pamamagitan ng isang 90-segundong video, sariwain natin ang 90-araw na karanasan ng Shenzhou-12 sa kalawakan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio