Hanggang Hulyo 2021, lumampas na sa 1,800 ang bilang ng mga wild giant panda ng Tsina, at dahil sa pagdami ng mga ito, binago ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) ang klasipikasyon ng mga giant panda sa Red List of Threatened Species mula "endangered" sa "vulnerable."
Bukod dito, malinaw na lumalaki ang bilang ng mga mailap na hayop sa Tsina na tulad ng wild Manchurian Tiger, Amur Leopard, Elephas Maximus Linnaeus, at Nipponia Nippon.
Hanggang noong katapusan ng 2019, umabot 18% ang proporsisyon ng iba’t-ibang uri ng natural reserve zone ng Tsina sa kabuuang saklaw na panlupa ng bansa.
Kaugnay nito, maagang naisakatuparan ang hangaring iniharap ng “Aichi Biodiversity Targets” ng United Nations (UN) Convention of Biological Diversity (CBD).
Sa UN Summit ng Biolohikal na Dibersidad noong Setyembre 30, 2020, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang tao at kalikasan ay komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran.
Dapat aniyang igalang, itugma, at pangalagaan ang kalikasan para tahakin ang landas ng maharmoniyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan, at upang magkakasamang maitayo ang masagana, malinis, at magandang mundo.
Salin: Lito
Pulido: Rhio