Pagbati at mabuting hangarin, ipinahayag ni Xi Jinping kaugnay ng Pestibal ng Doble Nuwebe

2021-10-14 10:59:14  CMG
Share with:

Pagbati at mabuting hangarin, ipinahayag ni Xi Jinping kaugnay ng Pestibal ng Doble Nuwebe_fororder_20211014matandaXi600

Kaugnay ng pagdiriwang ng Pestibal ng Doble Nuwebe, tradisyonal na kapistahan at Araw ng Matatanda ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping, sa ngalan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang marubdob na pagbati at hangaring maging malusog at magkaroon pa ng maligaya at mahabang buhay ang lahat ng matatanda ng buong bansa.

Tinukoy ni Pangulong Xi na dapat lubos na pahalagahan ng pamahalaan sa iba’t-ibang antas ang usapin ng pagtanda ng populasyon.

Dapat din aniyang ipatupad ang pambansang estratehiya para mapabuti ang gawaing ito.

Diin ni Xi, dapat puspusang paunlarin ang tradisyonal na moralidad ng pagbibigay-galang sa matatanda, pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng matatanda, at mainam na patingkarin ang mga positibong papel ng matatanda tungo sa magkakasamang pagtatamasa ng bunga ng pag-unlad ng bansa at pagkakaroon ng maligayang pamumuhay.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method