Binuksan ngayong araw, Oktubre 14, 2021, sa Guangzhou, lunsod sa katimugan ng Tsina, ang Ika-130 China Import and Export Fair, o kilala rin bilang Canton Fair.
Sa kanyang mensaheng pambati, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan ng bansa, kasama ng iba't-ibang may-kinalamang panig, na igiit ang tunay na multilateralismo, at itatag ang bukas na kabuhayang pandaigdig sa mataas na antas.
Sa kanya namang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sinusuportahan ng Tsina ang kinakailangang reporma sa World Trade Organization (WTO), at bukas ang bansa sa lahat ng mga rehiyonal na kasunduan sa malayang kalakalan na angkop sa mga prinsipyo ng WTO.
Aniya pa, daragdagan ng Tsina ang pag-aangkat ng mga de-kalidad na produkto at serbisyo, para magbigay ng positibong elemento sa global industrial chain.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan