Malalaman sa video, isang sipi ng tatlong episode na dokumentaryong tinatawag na“Ang Ating Komong Tahanan”sa wikang Tsino, kung bakit hindi na nanganganib ang mga giant panda.
Noong ika-7 ng Hulyo, 2021, sa isang press conference ng State Council ng Tsina, sinabi ni Cui Shuhong, Kalihim ng Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng bansa, na ang populasyon ng mga ligaw na panda ay umabot na sa higit sa 1,800, at ang antas ng panganib ay ibinaba mula "nanganganib" sa "maaaring manganib" o vulnerable.
Ang panda, na namumuhay sa mundo sa loob ng 8 milyong taon ay ang pinakamahalagang species ng World Biodiversity Conservation. Ito ay dating nanganganib at pinangalagaan bilang isang "pambansang kayamanan." Masasabing ang pagpapababa sa antas ng panganib ay nagpapatunay na tumataas ang kalidad ng kapaligiran ng pamumuhay ng mga ligaw na species sa Tsina.
Sa nagdaang ilang dekada, ang mga ligaw na panda ay kinupkop, muling ibinalik sa natural na kapaligiran, at muling dumami ang populasyon. Itinatag ng Tsina ang 67 reserbadong lugar para sa mga panda.
Sa okasyong ito, ipinatalastas ng Tsina, Martes, Oktubre 12, 2021 ang pormal na pagtatatag ng unang batch ng mga pambansang parke.
Kabilang sa listahan ay Sanjiangyuan National Park, Wuyi Mountain National Park, Giant Panda National Park, Northeast China Tiger and Leopard National Park, at Hainan Tropical Rainforest National Park.
Umaabot sa 230,000 kilometro kuwadrado ang saklaw ng naturang mga protektadong lugar at matatagpuan ang halos 30% ng mga pangunahing panlupang ligaw na uri ng hayop at halaman ng Tsina.
Editor: Jade
Pulido: Rhio/Jade