Ika-50 Anibersaryo ng Pagpapanumbalik ng Lehitimong Luklukan ng PRC sa UN, may espesyal at mahalagang katuturan

2021-10-22 16:29:05  CMG
Share with:

Ipinahayag Oktubre 21, 2021, ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations, na ang taong 2021 ay Ika-50 Anibrsaryo ng Pagpapanumbalik ng Lehitimong Luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa UN, at ito ay mayroong espesyal na katuturan para sa kapuwang Tsina at UN.

Ika-50 Anibersaryo ng Pagpapanumbalik ng Lehitimong Luklukan ng PRC sa UN, may espesyal at mahalagang katuturan_fororder_02zhangjun


Idinaraos ng Tsina ang serye ng mga aktibidad bilang paggunita sa napakahalagang pangyayaring ito, at idaraos sa Oktubre 25, dito sa Beijing, ang pagtitipon hinggil dito, saad ni Zhang.


Aniya pa, nitong 50 taong nakalipas, natamo ng Tsina ang kahanga-hagang bunga sa pag-unlad ng bansa, pinatingkad ang mas malaking papel sa mga suliraning pandaigdig, at ibinigay ang mahalagang ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.


Binigyan-diin ni Zhang na sa hinaharap, patuloy na buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang multilateralismo, at ang Karte ng UN, at susuportahan ang UN upang gumanap ng mas malaking papel sa daigdig.


Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method