Binuksan kahapon, Oktubre 22, 2021, sa Xi’an, punong lunsod ng lalawigang Shaanxi sa hilagang kanlurang Tsina, ang Ika-11 National Games for Persons with Disabilities, at Ika-8 National Special Olympic Games.
Kalahok sa dalawang palarong ito ang 4,484 atleta, at magpapaligsahan sila sa 47 events ng 43 isport.
Tatagal ang mga palaro hanggang sa Oktubre 29.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos