Bilang tugon sa sinabi ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na tutupdin ng panig Amerikano ang pangako sa pagtatanggol sa Taiwan, sinabi kahapon, Oktubre 22, 2021, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat tumalima ang Amerika sa prinsipyong Isang Tsina at mga tuntunin sa tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, at mag-ingat sa mga pananalita tungkol sa isyu ng Taiwan.
Hinimok din ni Wang ang panig Amerikano na huwag magpadala ng maling signal sa puwersang naninindigan sa "pagsasarili ng Taiwan," para maiwasang masira ang relasyong Sino-Amerikano at kapayapaan at katatagan sa Taiwan Straits.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos