Karagdagang 1 milyong dosis na bakuna kontra COVID-19, binigay ng Sinovac sa Pilipinas: 2 milyong dosis na iba pa, binili

2021-10-24 18:47:36  CMG
Share with:

Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 3 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine_fororder_1310265899_16351177152271n

 

Dumating sa Pilipinas, Linggo, Oktubre 24, 2021 ang karagdagang tatlong milyong dosis na bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac Biotech Ltd.

 

Kabilang dito, isang milyong dosis ang kaloob ng gobyerno ng Tsina, at ang natitirang dalawang milyon ay binili ng pamahalaang Pilipino.

 

Sa pamamagitan ng bagong dating na mga bakuna, malapit nang maabot ng Pilipinas ang target na 100 milyong dosis bago magtapos ang Oktubre.

 

Sa kanyang pagsalubong sa naturang mga bakuna, sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr. , Punong Tagapagpatupad ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na nagkataong ika-100 shipment na natanggap ng bansa ang bagong dating na mga bakuna.  

 

Sa kasalukuyan, mayroon na aniyang mahigit 97.67 milyong dosis na bakuna ang Pilipinas, at mahigit dalawang milyon na lamang ang kakailanganin para maabot ang 100 milyong target.

 

Mas marami pa ang darating sa susunod na linggo, saad ni Galvez.  

 

Samantala, muling ipinahayag ni Galvez ang taos-pusong pasasalamat sa panligtas-buhay na donasyon ng pamahalaan ng Tsina at Sinovac.

 

Aniya, ang Sinovac ay ang unang bakunang dumating ng Pilipinas.

 

Matatandaang, inihatid sa bansa ang 600,000 dosis ng Sinovac noong Pebrero 28 – unang bahagi ng isang milyong donasyon ng pamahalaang Tsino.

 

Bunga nito, nasimulan ng Pilipinas ang pambansang pagbabakuna, Marso 1.

 

Dagdag pa riyan, isang milyong kaloob-na-bakuna kontra COVID-19 na gawa naman ng Sinopharm mula sa pamahalaang Tsino ang dumating ng Pilipinas nitong nagdaang Agosto, dagdag pa ni Galvez.

 

Maliban sa pagpapadala sa mga pangunahing lunsod, ang naturang mga bakuna ng Sinovac ay gagamitin bilang ikatlong dosis para sa mga tauhang medikal, matatanda, at mga mayor de edad na may comorbidities, paliwanag ni Galvez.

 

Sa kabilang dako, ipinahayag naman ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na umaasa siyang malaking tulong sa ibayo pang pagpapababa ng mga kaso at pagbalik sa normal ng pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino ang ihahatid ng donasyong mga bakuna.  

 

Ani Huang, ikinagagalak niya ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, dahil sa pagpupunyagi ng pamahalaan at sambayanang Pilipino.

 

Karagdagang 1 milyong dosis na bakuna kontra COVID-19, binigay ng Sinovac sa Pilipinas: 2 milyong dosis na iba pa, binili_fororder_1310265899_16351177148591n

Sina Embahador Huang Xilian (ika-3 sa kaliwa), Kalihim Galvez (ika-3 sa kanan) sa pagsalubong sa bakuna sa NAIA 2, Linggo, Oktubre 24, 2021

 

Ayon sa estadistika, mahigit 55 milyong dosis na bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa Pilipinas.

 

Dahil dito, mahigit 25 milyong Pilipino ang natapos mabakunahan ng dalawang dosis o fully vaccinated na.

 

Balak ng Pilipinas na bakunahan ang 70 milyong mamamayan sa taong ito.

 

Ang Tsina ang nananatiling pinakamalaking tagapagsuplay ng bakuna sa Pilipinas.

 

Artikulo: Jade

Pulido: Rhio

Larawan: Xinhua/PTV 

 
Please select the login method