43, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 26 ang domestikong kaso

2021-10-24 13:32:16  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina nitong Sabado, Oktubre 23, 2021, 43 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

Sa mga ito, 17 ay galing sa labas ng bansa, at 26 ay domestikong kaso.

Batay sa datos, 564 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.

Samantala, 4,636 ang mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method